2nd mini album ng AESPA lampas 1M na sa pre-order sales

2nd mini album ng AESPA lampas 1M na sa pre-order sales

June 12, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago



SEOUL, South Korea – Napatunayan na naman ng MY, fandom name ng sikat na Kpop girl group na AESPA ang mainit na pagtanggap at suporta ng mga ito sa grupo.

Ito ay makaraang ianunsyo ng SM Entertainment na umabot na sa lampas isang milyon ang pre-order sales ng 2nd mini album ng grupo na ‘Girls’.

Matatandaan na noong Hunyo 2 ay binuksan ang pre-sale ng naturang album na naging dahilan upang humilera ang AESPA sa record ng BLACKPINK ng pagkakaroon ng 1 million copies sa kanilang pre-sales.

Maliban sa comeback album, inaabangan na rin ang paglalabas ng English single ng grupo na ‘Life’s Too Short’ sa Hunyo 24. RNT/JGC