2nd runway sa Mactan Airport matatapos sa Marso 2023

2nd runway sa Mactan Airport matatapos sa Marso 2023

December 6, 2022 @ 8:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matatapos na ang pagtatayo ng ikalawang runway ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa Marso 2023.

Gayunman, sinabi ni MCIA general manager Julius Neri, na hindi kaagad gagamitin ang runway pagkatapos makumpleto dahil kailangan pa nilang kumuha ng permit at magsagawa ng safety inspections.

“We are saying that it will be finished, including all the lights and markings, sometime in March or end of February. But the approval (of aviation inspections) usually takes a minimum of six months. However, to speed it up, we started already complying with the requirements as early as now even if the construction is not done yet,” ani Neri.

Bukod sa pagpigil sa mga abala sa mga operasyon ng paliparan kapag nag-overshoot ang isa pang sasakyang panghimpapawid, ang karagdagang runway ay magpapabilis sa paglapag at pag-alis ng mga eroplano sa MCIA.

“They (aircrafts) will no longer have to wait or will have shorter queueing since one runway can be used for take off and the other one is for landing,” aniya pa.

Sinabi ni Neri na ang bagong runway ay magtataas ng kapasidad at kahusayan ng MCIA ng humigit-kumulang 25 porsiyento. RNT