2nd tranche ng dagdag-sahod sa Region 8 workers, aarangkada sa Jan. 2

2nd tranche ng dagdag-sahod sa Region 8 workers, aarangkada sa Jan. 2

December 29, 2022 @ 5:48 PM 4 weeks ago


TACLOBAN CITY- Nagpaalala ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa private employers sa Eastern Visayas ukol sa pagpapatupad ng second tranche ng wage increase sa Jan. 2 sa susunod na taon.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Eastern Visayas Regional Director and RTWPB chairman Henry John Jalbuena nitong Huwebes na kailangang igawad sa mga manggagawa ang kalahati ng P50 daily pay increase sa ilalim ng Wage Order No. 22.

Ipinalabas ng RTWPB ang direktiba noong June 10, 2022 at umarangkada ang unang tranche took noong June 27.

Makatatanggap ang mga manggagawa sa non-agriculture sector at retail o service establishments na may 11 pataas na mangaggawa ng daily minimum wage na P375 mula sa P350.

Dapat namang magbigay ng employers sa cottage at handicraft industry, agriculture sector at retail o service establishments na may 10 pababang manggagawa ng hindi bababa sa P345 sahod kada araw.

Nanawagan si Jalbuena sa mga employer sa rehiyon na sumunod sa wage order.

“We at DOLE will be doing our part in ensuring that our workers are receiving what’s due them,” pahayag ni Jalbuena. RNT/SA