2nd tranche ng SAP: Digital disbursement, sisimulan sa susunod na linggo

2nd tranche ng SAP: Digital disbursement, sisimulan sa susunod na linggo

June 30, 2020 @ 12:26 PM 10 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sisimulan ang digital disbursement ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) cash aid sa susunod na linggo, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“DSWD is now finalizing important details of the distribution process of the SAP second tranche with the participating FSPs (financial service providers). Distribution of digital payment is expected to start next week,” saad sa pahayag.

Batay sa departamento, pinirmahan na nila ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang BSP para sa naturang digital disbursement ng ayuda.

“Under the agreement, the DSWD and BSP look forward to an expeditious means of distributing the SAP to the beneficiaries while complying with the health and safety protocols of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID),” dagdag pa rito.

Isasagawa ang digital electronic disbursement sa pamamagitan ng transaksyon sa banko o e-money accounts.

“DSWD welcomes this partnership with the Bangko Sentral ng Pilipinas. It has the expertise on digitization that is needed to ensure the smooth, efficient, and speedy distribution of the cash subsidy to the beneficiaries,” giit ng DSWD.

“BSP also has the regulatory power over financial service providers, thus, it knows which perform well,” saad pa nito.

Sa datos, nakapamigay na ang DSWD ng higit P6.746 bilyon sa 1,336,635 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries na pawang mga cash card holder.

Nasa 11 lugar ang sakop ng SAP 2 na tinukoy na Region III, bukod sa Aurora; National Capital Region (NCR); Calabarzon; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu Province; Bacolod City; Davao City, Albay Province at Zamboanga City. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •