Lingguhang kaso ng COVID-19 mas mataas ng 53% para sa Hunyo 20-26

June 27, 2022 @5:00 PM
Views:
4
MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 4,634 bagong kaso ng COVID-19 mula Hunyo 20 hanggang Hunyo 26, 2022, mas mataas ng 53 porsyento kumpara sa mga naiulat na kaso noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.
Batay sa weekly case bulletin ng DOH, ang daily case average para sa nabanggit na linggo ay 662. Mas mataas ito kumpara sa 436 na naitala mula Hunyo 13 hanggang Hunyo 19, na may 3,051 bagong COVID-19 infections.
Makikita rin sa datos na 591 severe at critical cases ang kasalukuyang nasa mga ospital dahil sa COVID-19 hanggang nitong Hunyo 26.
Sa kabuuan ay 70,358,612 indibidwal o 78.17 porsyento ng target population ng pamahalaan ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. Sa bilang na ito, 323,341 ang nabakunahan mula Hunyo 20 hanggang Hunyo 26. Jocelyn Tabangcura-Domenden
7 magnanakaw ng baka, inilibing nang buhay

June 27, 2022 @4:56 PM
Views:
10
MOZAMBIQUE – Tinortyur muna bago inilibing nang buhay ang pitong magnanakaw ng mga baka sa bansang ito.
Hindi kinilala ng pulisya ang mga suspek at biktima sa karima-rimarim na krimen subalit nadakip na ang mga may-sala habang nakuha na ng mga kamag-anak ang mga bangkay ng mga biktima.
Ayon kay Juarce Martin, hepe ng provincial police ng Manhica na malapit lamang sa Maputo na kapital ng bansa, pinangunahan ng mga awtoridad ang paghuhukay sa mga bangkay.
Iniimbestigahan pa ang pangyayari na maaaring kasunod na ng pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga suspek. RNT
BI nagpatupad ng 3-day skeleton workforce

June 27, 2022 @4:45 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Simula ngayong araw ay nagpatupad ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) ng tatlong araw na skeleton workforce.
Sa abiso ng BI, sinabi ni Commissioner Jaime Morente na ang pagbabago ay bunsod sa pagsasara ng ilang kalsada at traffic rerouting ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsimula alas-12:01 ng madaling araw ng Hunyo 26 bilang bahagi ng security measures para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr.
“The venue for the inauguration is less than 3 kilometers from the BI Main office,” ayon kay Morente. “Hence we are expecting that the road closures may affect the transportation in the area,” dagdag pa nito.
Ayon kay Morente, ang nasabing direktiba ay naaayon sa Civil Service Commission (SC)’s memorandum sa alternative work arrangements.
“This shall ensure safe and convenient transportation of BI personnel without disrupting regular operations,” paliwanag ni Morente.
Siniguro naman ni Morente na ang serbisyo ay mananatili sa kabila ng schedule adjustment.
“We are ensuring unhampered services during this period,” dagdag nito.
“However, the public may also consider going to any of our numerous offices nationwide for their immigration transactions to avoid the possible traffic congestion in the area,” giit pa ni Morente. JAY Reyes
Binatilyong tinadtad ng saksak, bangkay na nang matagpuan ng tatay

June 27, 2022 @4:36 PM
Views:
19
TALUGTUG, Nueva Ecija – Hindi na umano nakarating sa bahay ng kanyang girlfriend ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang matagpuan ito na isa nang malamig na bangkay at tadtad ng saksak malapit sa isang small water impounding project sa Barangay Tandoc sa bayang ito noong Linggo ng umaga.
Kinilala ng Talugtug Police ang biktima na si Cyrus Vince Antonio, 15-anyos ng barangay Tandoc., dito
Tadtad ng saksak at isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ng isang concerned citizen ang katawan ng biktima.
Ayon kay Virgilio Antonio, 40-anyos, ama ng biktima, noong gabi ng Hunto 25 ay nagpaalam ang biktima na dadalaw sa kanyang girlfriend sa barangay Guiset, Guimba sakay ng kanyang motor na Suzuki, walang plaka.
Subalit hindi na siya nakarating. Bagkus, natagpuan siya noong umaga ng Hunyo 26 na isa nang malamig na bangkay na tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy na nag-iimbestiga ang Talugtog police para sa madaling pagkakilanlan sa suspek. Ver Sta. Ana
Outgoing NEDA chief muling nanawagan sa ‘full resumption’ ng F2F classes

June 27, 2022 @4:30 PM
Views:
22