3-4 brand limit sa future COVID vax purchase target ng gov’t – DOH

3-4 brand limit sa future COVID vax purchase target ng gov’t – DOH

January 29, 2022 @ 2:50 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tinitingnan na ng gobyerno ang paglilimita ng pagbili ng COVID vaccine sa tatlo hanggang apat na brand, ayon sa Department of Health (DOH).

“Hindi na po tayo bibili, sa aking pagkakaintindi, ng Sputnik vaccine. Alam naman natin na kailangan natin nang i-limit. Masyado nang marami tayong portfolio ng bakuna,” ani DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing.

Sa report, halos 60 milyon na ang nakatanggap ng unang dose ng COVID vaccine habang 58.6 milyon ang fully vaccinated na.

“We hope to push that we reach 70 million by at least the end of the first quarter. If earlier, the better.”

Target din ng gobyerno na maabot ang herd immunity na may 77 milyong bakunado o 70% ng populasyon. RNT/FGDC