$3.4 million, qualifying offer ng Cavs kay Hood

$3.4 million, qualifying offer ng Cavs kay Hood

June 28, 2018 @ 11:41 AM 4 years ago


NBA – Itataas sa $3.4 million ang qualifying offer ng Cleveland Cavaliers kay Rodney Hood.

Ihahain ng koponan ang offer sa Biyernes (Sabado sa Manila time) bago magsimula ang free agency sa Linggo.

Ito ay habang hinihintay nila ang plano ni LeBron James kung anong kontrata ang kukunin.

Mayroon na lang hanggang 11:59pm ng Biyernes si LeBron para makapagdesisyon dahil kung hindi ay magiging fee agent ito.

Sa ngayon ay inaabangan na sa NBA ang mga pasabog ilang araw bago magsimula ang free agency. (Remate News Team)