3-5% taas-presyo sa pangunahing bilihin, inaprubahan ng DTI

3-5% taas-presyo sa pangunahing bilihin, inaprubahan ng DTI

July 22, 2021 @ 7:01 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tatlo hanggang limang porsiyentong taas-presyo sa mga pangunahing bilihin.

Katumbas ito ng P0.75 hanggang P1 dagdag-presyo sa kada lata ng sardinas at canned meats.

Ayon kay DTI Secretary Ramon M. Lope, ito ang kauna-unahang prixe adjustment sa loob mg dalawang taon kung saan ang huling suggested retail prices (SRPs) ay inilabas pa noon September 30, 2019.

Aniya, ang price hike ay base sa kanilang pag-aaral kung saan nagkaroon ng pagtaas sa gastos ng produksyon gaya ng mga raw materials at packaging.

Inihalimbawa rito ni Lopez ang 60% na pagtaas sa presyo ng lata at 37% sa PET bottle.

Nagmahal din ng 20% ang karneng ginagamit sa corned beef,  87% ang mechanically deboned meat habang 56% sa presyo ng wheat na ginagamit sa paggawa ng noodles.

Aniya, kahit nagmahal ang gastos sa produksyon, hindi naman nagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin sa loob ng dalawang taon, bagay na inirereklamo na ng mga manufacturer.

Para naman kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, “wrong timing” ang taas-presyo lalo’t nananatili ang banta ng pandemya lalo na ng Delta variant.

Kinuwestyon din niya ang paggamit ng DTI sa 2019 data at hinikayat ang ahensya na magbase sa “year to date data” para maikonsidera ang presyo ng raw materials at ang peso-dollar exchange rate.

Samantala, sabi ni DTI Undersecretary for Consumer Welfare and Protection Ruth Castelo, isinasapinal pa nila ang bagong SRP.

Matatandaang noong Hulyo 9, napaso na ang 60 araw na price freeze sa mga pangunahing bilihin na ipinatupad simula noong Mayo dahil sa outbreak ng African Swine Fever. RNT


  •  
  •  
  •