3.6M pang COVID vax dose lumapag na sa Pinas

3.6M pang COVID vax dose lumapag na sa Pinas

December 10, 2021 @ 1:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang 3.6 milyong COVID-19 vaccine na binili sa Moderna at AstraZeneca ngayong araw, Disyembre 10.

Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 via China Airlines flight bandang 10 a.m.

Kasama rito ang 2,948,000 dose ng Moderna vaccine (2,102,000 government-procured; 846,000 binili ng pribadong sektor) at 698,600 dose ng AstraZeneca vaccine na binili rin ng pribadong sektor.

Sa datos buhat noong Disyembre 8,  fully vaccinated na ang 39.5 milyong indibidwal. RNT/FGDC