3.71M Pinoy na 15-anyos pataas, walang trabaho noong 2021 – PSA

3.71M Pinoy na 15-anyos pataas, walang trabaho noong 2021 – PSA

May 5, 2022 @ 11:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 3.71 milyong Pilipino na may edad 15 taong gulang pataas ang walang trabaho noong 2021, na nagresulta sa unemployment rate na 7.8%, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Batay sa 2021 preliminary annual labor market statistics ng PSA, ang unemployment rate ay 10.6% sa National Capital Region, 9.2% sa Region IV-A, 8.2% sa Region I, at 7.9% sa MIMAROPA.

Ang lahat ng ito ay mas mataas kaysa sa pambansang bilang na 7.8 porsyento.

Noong 2021, ang Olongapo City ang may pinakamataas na unemployment rate sa 14.4%, na nagkakahalaga ng 14.67 thousand unemployed persons mula sa 101.88 thousand na tao sa labor force, habang ang Camarines Norte ay pumangalawa sa pinakamataas noong nakaraang taon sa 14.1%.

“Compared to 2020 provincial unemployment estimates, there were no provinces or Highly Urbanized Cities (HUCs) with an unemployment rate greater than 16.0 percent in 2021. Further, only Olongapo City and Camarines Norte had unemployment rates from 13.0 percent to 15.99 percent,” saad sa datos ng PSA.

Nabanggit din ng PSA na 47.70 milyon o 63.3% ng mga Pilipinong nasa edad 15 pataas ang aktibong naghahanap ng trabaho noong nakaraang taon, kung saan ang Bukidnon ay nagrehistro ng pinakamataas na labor force participation (LFPR) rate sa 78.3% sa mga probinsya at HUCs.

Sa mga rehiyon, ang Rehiyon X ang may pinakamataas na LFPR na may 69.8%, sinundan ng Rehiyon XIII na may 67.8%, at Rehiyon III na may 59%.

Employment rate

Samantala, iniulat ng PSA na ang 92.2% na employment rate noong nakaraang taon ay isinalin sa 43.9 sa 47.70 milyong Pilipinong may trabaho.

Nakarehistro ang Surigao del Sur ng pinakamataas na employment rate sa 97.7%.

“Comparing the distribution of the provincial employment rates in 2020 and 2021, more provinces (17 out of 117 provinces and HUCs) recorded employment rates greater than 96.0 percent in 2021 compared to 7.7 percent or 9 out 117 provinces and HUCs in 2020. It is worth mentioning that no province in 2021 obtained employment rates lower than 84.0 percent,” ayon din sa PSA.

Ang iba pang rehiyon na nakapagrehistro ng employment rate na mababa kaysa sa national estimate ay ang Zamboanga Peninsula (96%); MIMAROPA (92.1%); Rehiyon I (91.8%); Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (90.8%), Region IV-A (89.4%); at NCR (89.4%).

Underemployment rate

Ang mga taong underemployed ay tinatayang nasa 7 milyon o 15.9% ng kabuuang mga taong may trabaho noong 2021.

Umabot naman sa pitong rehiyon ang nakapagtala ng mas mababang underemployment rate kumpara sa national estimate ay kinabibilangan ng Rehiyon IX (14.8%); Rehiyon VII (14.5%); Rehiyon X (14.3%); BARMM (12.0%); NCR (10.2%), Rehiyon XI (9.7%); at Rehiyon III (7.3%), ayon sa PSA

Ang Agusan del Sur ay nakapagtala ng pinakamataas na underemployment rate sa 51.6% noong 2021 sa mga local government units, habang ang Ilocos Norte ay nagtala ng pinakamababang underemployment rate na 2.9%. RNT