3.8K bagong kaso ng COVID naitala

3.8K bagong kaso ng COVID naitala

October 2, 2022 @ 8:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas na naman ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa.

Ito ang iniulat ng Department of Health matapos na magkaroon ng 3,822 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala nitong Sabado, Oktubre 1.

Dahil dito ay umakyat na sa 3,951,766 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit samantala 29,525 naman ang aktibong kaso.

Mataas ito kumpara sa dalawang magkasunod na araw na mas mababa sa 3,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19.

Ang National Capital Region ang may pinakamaraming nahawaan ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo na may 14,299 kaso sinundan ng Calabarzon sa 5,634, Central Luzon sa 2,958 at Davao Region sa 1,386.

May 34 na bagong nasawi naman ang naitala sa bansa dahilan upang umabot na sa 62,981 death toll, at kabuuan 3,859,260 ang gumaling dahil sa 3,285 new recoveries.

Nitong Biyernes, Setyembre 30 ay mayroong kabuuang 18,202 indibidwal ang sinuri sa COVID-19 mula sa 334 testing laboratories na nagpasa ng datos sa DOH. RNT/JGC