3.8M katao apektado kay Ulysses – NDRRMC

3.8M katao apektado kay Ulysses – NDRRMC

November 22, 2020 @ 4:39 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 3.8 milyong indibidwal o mahigit 932,000 pamilya ang apektado ng bagyong Ulysses.

Sa kabuuan, 932,467 pamilya o 3,830,602 katao ang apektado ng bagyo.

Naitala ito mula sa 6,321 barangay sa rehiyon ng Region I, II, III, Calabarzon, Mimaropa, V, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kasalukuyang tumutuloy ang 34,328 pamilya o 139,866 katao ang 723 evacuation center habang ang 12,829 pamilya o 46,848 indibidwal ang wala sa mga evacuation center.

Nananatili namang 73 ang nasawi habang 68 ang nasaktan.

Nawawala pa rin ang 19 katao mula sa Region II, III, Calabarzon, V, CAR at NCR.

Samantala, 223 lungsod at munisipalidad ang may suplay na ng kuryente mula sa Region I, II, III, Calabarzon, Mimaropa, V, VIII, CAR at NCR sa 375 na kabuuang bilang.

Habang 40 sa 68 munisipalidad sa Calabarzon at Region 5 ang may suplay na ng tubig.

Wala pa ring maaayos na komunikasyon sa Polillo Island at ilang lugar sa Quezon.

 Nananatili sa P4,213,681,074 ang pinsala sa agrikultura habang pumalo na sa P8,691,252,576.28 sa imprastraktura.

Pinadapa naman ni Ulysses ang 9,763 bahay habang ang bahagyang napinsala ang 78,950 bahay.

Umabot na naman sa P125,725,973.59 halaga ang tulong na naipaabot sa mga apektadong pamilya.

Sa halagang ito, P77,998,440.11 mula sa Department of Social Welfare and Development; P44,162,443.48 mula sa local government units at P2,836,598.00 mula sa private partners sa Regions I, II, III, Calabarzon, V, CAR at NCR.

Nananatiling nasa state calamity ang buong Luzon kasunod ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...