3 anggulo sinisilip sa pamamaril sa abogada, anak sa Cebu

3 anggulo sinisilip sa pamamaril sa abogada, anak sa Cebu

September 4, 2022 @ 2:35 PM 1 month ago


MANDAUE CITY, Cebu- Tatlong anggulo ngayon ang tinitignan motibo sa mga awtoridad sa pamamaril sa abogaga at anak nito noong Huwebes sa lungsod na ito.

Nasa ligtas ng kalagayan ang mag-inang Atty. Karen Gonzalez at anak na si Jeremy Keith,19 anyos.

Batay sa report ng dakong 8:35 PM naganap ang pamamaril sa kalsadang sakop ng Hernan Cortes Avenue, Brgy. Banilad Mandaue City.

Ayon kay Captain Armil Coloscos, hepe ng Station 4 Mandaue City Police Office, minamaneho ng abogada ang kanyang kotse at binabaybay ang nasabing lugar ng bigla na lamang silang tambangang ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Dito, pinagbabaril ang biktima saka tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala naman sa ospital ang mag-ina para lapatan ng lunas ang natamo nilang sugat.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng mga basyo ng .45 kalibre na baril.

Si Karen bukod sa pagiging abogada, kawani rin ito ng Cebu Port Authority at nagsusulat rin sa isang local daily newspaper sa Cebu.

Naniniwala naman si P/Lt. Col. Frank Oriol, Deputy Director for Operations Mandaue City Police Office, na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa pananambang.

“One is her work handling cases, second as an employee of the Cebu Ports Authority and third, maybe personal grudge,” ani Oriol.

Si Quinanola-Gonzales, ay manager ng Business Marketing and Development Department sa Cebu Port Authority bukod pa sa mga pribado niyang kliyente.

Samantala, nag-alok naman ang Integrated Bar of the Philippines Cebu Chapter ng P50,000 reward sa sinoman makapagturo sa pagkakakilanlan sa suspek.

“We should not allow shooting incidents to be a common fare in the news. The usual statement denouncing or condemning an attack done to any person, after the initial dismay of learning of the senseless harm done, will not cut it,” pahayag pa ng IBPCC./Mary Anne Sapico