3-anyos patay sa suwag ng SUV

3-anyos patay sa suwag ng SUV

August 1, 2022 @ 11:51 AM 1 week ago


PATAY ang tatlong taong gulang na batang babae matapos itong mabundol at magulungan ng gulong sa ulo ng sports utility vehicle (SUV) habang ang biktima ay nasa gilid ng kalsada sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay ang biktima na kinilalang si Raine Gabisan, residente ng #30 Bisig ng Nayon St., Brgy. 4 sa Caloocan City Medical Center Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng Mitsubishi Montero (NDF-6241) na kinilalang si Josephine Garner, 29, call center agent at naninirahan sa Block 6, Lot 6, Tanguile, Brgy. San Vicente, Angono, Rizal matapos ang insidente.

Base sa imbestigasyon na nakarating kay Caloocan Deputy Chief of Police P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, dakong alas-3:00 ng hapon nasa gilid ng kalsada ang biktima harapan ng isang basketball court sa Bisig ng Nayon St.,  nang mahagip ito ng minamanehong sasakyan ng suspek.

Sa ulat ng pulisya, matapos na mahagip ang biktima ay nagulungan pa ito sa ulo ng kaliwang parte ng gulong sa harapan ng sasakyan.

Mahaharap si Garner sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office. R.A Marquez