3 arestado sa drug ops

3 arestado sa drug ops

October 9, 2022 @ 1:21 PM 2 months ago


TALISAY CITY – Arestado ang tatlong tulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad kagabi, Oktubre 8 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Kynneth Diola, 27, Anthony Castro, 47, at Raymund Camacho, at pawang mga taga Barangay Basak, San Nicolas, Cebu City

Batay sa report ng Talisay City Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nadakip ang mga suspek sa Barangay Poblacion, Talisay City.

Narekober sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na aabot sa halagang P170,000.

Ayon sa pulisya, isinailalim nila sa monitoring ang mga suspek na dati na rin nakulong na may kinalaman sa ilegal na droga dahil patuloy pa rin ang kanilang illegal na aktibidad.

Unang nadakip sina Diola at Castro at makalipas ang ilang oras ay nahuli rin si Camacho na siyang pinagkukunan ng suplay ng dalawa.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico