3 arestado sa e-sabong

3 arestado sa e-sabong

June 8, 2022 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong indibidwal sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Tondo, Maynila dahil sa iligal e-sabong.

Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Isip Y Banal, 25; Mark Jorge Reyes, 27; at Archie Balmes Y Figueroa.

Kinasuhan sila ng reklamong paglabag sa  Presidential Degree( PD) 1602 in relation to Republic Act 10175 (illegal E- Sabong Operation).

Sa ulat ng Manila Police District Station 1 , katuwang ang ilang miyembro ng Crimimal Investigation and Detection Unit (CIDG) sa operasyon kung saan sinalakay ang isang bahay sa 232 Magsaysay St.sa Tondo.

Ayon sa pulisya,  mismong si Isip ang nanghihikayat sa mga manunugal na tumaya sa e-sabong.

Narekober din ang limang set ng computer desktop, 3 unit ng LAN Router, 2 unit ng cellular phone, isang genuine na 1 isang libo na mark money na may kasamang boodle money at ID ng mga suspek.

Dahil sa patuloy na ” Oplan Bolilyo at Oplan Salikop ng pulisya sinisigurong mababawasan na ang mga iligal na sugal na mariing iniutos ni NCRPO Chief   P/ Major General Natividad sa direktiba ni P/ Lt.General Vicente Danao Jr OIC ng PNP. Jocelyn Tabangcura-Domenden