3 arestado sa P1.1M puslit na yosi

3 arestado sa P1.1M puslit na yosi

December 26, 2022 @ 11:52 AM 1 month ago


ZAMBOANGA CITY- Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal na nasamsaman ng mahigit P1.1 milyong puslit na sigarilyo sa bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur nitong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang tatlong naarestong indibidwal na sina Radzmer Ainami, 18, driver at a residente ng bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay; at dalawang truckmen na sina Al-Sharif Ammad, 27, at Mohhamad Nul Kasidi, 26, kapwa residente ng Barangay Kampung Islam.

Sinabi ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, na nalambat ang tatlo bandang alas-10:30 ng gabi nitonh Biyernes sa kahabaan ng national highway sa Purok 2, Barangay Guitran sa Dumingag.

Sinabi ni Verceles na naglagay ng checkpoint sa lugar kasunod ng tip na may daraanfg shipment ng puslit na sigarilyo.

Dakong alas-10:30 ng gabi, pinara ng mga pulis ang cargo van na minamaneho ni Ainam para inspeksyunin nang matuklasan ang 1,600 reams ng iba’t ibang sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.12 milyon.

Walang maipakitang dokumento ang tatlo, dahilan upang maaresto sila.

Subalit, hindi inihayag ni Verceles kung sangkot ang tatlo sa anumang grupo na pinamumunuan ng big-time smugglers. RNT/SA