3 arestado sa P238K shabu sa Caloocan

3 arestado sa P238K shabu sa Caloocan

January 12, 2022 @ 3:17 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Shoot sa kulungan ang tatlong drug personality matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng sa isang regular confidential informant hinggil sa illegal drug activities ni Wilson Lañada alyas “Toto”, 21 ng 5th Avenue, Brgy. 55 kaya’t isinailalim ito sa linggong validation.

Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Glenn Dupang, 32, na sinasabing nakipagtransaksyon din kay Lañada ng isang plastic sachet ng shabu.

Narekober sa mga ang tinatayang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money.

Nauna rito, dakong alas-10:40 ng gabi nang madakma din ng mga operatiba si Roderick Sanchez alyas “Bong Bukol”, 52, sa buy bust operation sa Rizal Avenue, Brgy. 71 at nakuha sa kanya ang tinatayang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na nasa P68,000 ang halaga at buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (R.A Marquez)