3 arestado sa P8.6M puslit na sigarilyo

3 arestado sa P8.6M puslit na sigarilyo

October 6, 2022 @ 11:43 AM 2 months ago


ZAMBOANGA CITY –Arestado ang tatlong katao matapos makuhanan ng higit sa P8.6M halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa magkahiwalay na anti-smuggling operations ng mga awtoridad Martes sa Zamboanga del Sur.

Col. Richard Verceles, Area Police Command-Western Mindanao operations chief, ang mga suspek na sina Shariff Adjinulla de Jesus, Adrian Adjinulla de Jesus, at Lauro Ocampo Gonzales.

Batay sa report ng Area Police Command-Western Mindanao katuwang ang Bureau of Internal Revenue, dakong 6:00 PM ng maharang ang mga kontrabando sa Barangay Boyugan West, Kumalarang, Zamboanga del Sur.
Nakuha sa delivery van ng mga suspek ang 215 master cases ng puslit na sigarilyo na aabot sa halagang P8,170,000 at dadalhin sana sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Dinala sa Kumalarang municipal police station ang mga naarestong suspek at mga kontrabando saka iturn-over sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC).

Samantala, dakong 6:45 PM nakumpiska rin ng mga awtoridad ang 47 master cases na puslit na sigarilyo na aabot sa halagang P517,000.00 sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Sinabi ni Verceles posibleng nakatunog ang may-ari ng mga kontrabando sa presensya ng mga pulis kaya inabandona na lamang nila ang mga sigarilyo.

Dinala naman sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit ang mga nakumpiskang sigarilyo bago ito iturn-over sa BoC./Mary Anne Sapico