3 aso, 7 pusa natusta sa sunog sa Maynila

3 aso, 7 pusa natusta sa sunog sa Maynila

November 21, 2022 @ 4:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na nagawang mabitbit pa ng isang residente na senior citizen ang kanyang mga alagang aso at pusa na natrap sa nasusunog nilang gusali kagabi, Nobyembre 20 sa Paco, Maynila.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Prpotection, nagsimula ang sunog ala-10 ng gabi sa isang commercial building sa Angel Linao Street, ng nabanggit na lungsod.

Pag-aari umano ni Cristela Ong ang nasunog na sari-sari store sa nasabing gusali na noo’y natutulog sa ikalawang palapag.

Ayon kay Ong, naalimpungatan siya nang makaamoy ng usok kaya agad na humingi ng saklolo habang pilit na lumalabas sa bintana ng gusali.

Sa tulong ng isang concern citizen, nakalabas si Ong sa nasusunog na gusali pero hindi na nagawang mabitbit pa ang kanyang alagang mga aso at pusa.

Napag-alaman na tatlong aso at pitong pusa ang alaga ni Ong kung saan wala rin siyang naisalbang gamit kundi ang kanyang sarili lamang.

Idineklarang fire out ang sunog ilang minuto makalipas ang pagsisimula nito na umabot lamang sa ikalawang alarma.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng naging pinsala matapos madamay din ang ilang katabing establisyimento. Jocelyn Tabangcura-Domenden