3 BA.2.12.1 Omicron subvariant patients sa Iloilo City, gumaling na

3 BA.2.12.1 Omicron subvariant patients sa Iloilo City, gumaling na

May 19, 2022 @ 3:39 PM 1 month ago


ILOILO CITY – Gumaling na ang lahat ng tatlong pasyente sa Iloilo City na tinamaan ng Omicron subvariant BA.2.12.1.

Ito ang kinumpirma ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ngayong Huwebes.

“The omicron subvariant [cases] all have travel history and they came from abroad and we have tested all the close contacts and they also tested negative,” saad ng alkalde.

Gayunpaman, ikinadisyam ni Treñas ang mahabang paghihintay sa resulta ng kanilang mga COVID-19 test results.

“These persons with omicron subvariants came in last March and the results of the genome sequencing only came in this month. So it’s taking so long,” aniya pa.

Samantala, sa kabila ng naitalang subvariant sa lungsod, nilinaw ng alkalde na wala silang nakikitang surge ng COVID-19 cases sa ngayon.

“Cases are low not only in Iloilo City but in the whole region. I think vaccination has really help a lot,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Treñas na may sapat na suplay ng bakuna ang city government para sa nais magpaturok ng booster dose. RNT/ JCM