3 bagong water quality management area pinangalanan ng DENR

3 bagong water quality management area pinangalanan ng DENR

August 4, 2018 @ 3:22 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinangalanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlo pang river system bilang water quality management areas (WQMAs) na nagdala sa kabuuang 37 kabuuang bilang ng mga water bodies sa buong bansa na nasa ilalim ng polisiya ng gobyerno para protektahan ang mga ito laban sa polusyon.

Sa tatlong hiwalay na administrative order na nilagdaan ni DENR Secretary Roy A. Cimatu pinangalanan nito ang Malabon-Tullahan-Tinajeros, Las Piñas-Parañaque river system sa National Capital Region at ang Iyam-Dumacaa river suystem sa Region 4A (CALABARZON) na pinangalanan bilang WQMAs.

Ayon sa DENR ang naturang administrative order ay naglalayong protektahan at paunlarin ang water quality ng tatlong river system bilang pangunahing importanteng pinagkukunan ng livelihood ng mga lokal na residente bilang pagsunod sa Republic Act 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004.

“Their designation as WQMAs will ensure clean water in these rivers for present and future generations. Water is vital for irrigation, livelihood and water supply,” ayon kay Cimatu.

Sa kasalukuyan 19 WQMAs sa Luzon, 8 naman sa Visayas at 10 naman sa Mindanao.

Ayon kay Cimatu, ang pagtatalaga sa WQMAs ay pangunahing tungkulin ng mga opisyal ng national at local government upang makapag-isip ng mga specific water quality isyu na may kinalaman sa mga lokalidad.

“The WQMA is a significant tool in enforcing the Clean Water Act. It aims for the improvement of water quality to meet the guidelines under which they have been classified or to improve their classification so that it meets its potential use,” ani pa ni Cimatu.

Sa ilalim ng RA 9275, ang DENR sa pakikipagtulungan ng National Water Resources Board ay may mandato para magtalaga ng ilang lugar bilang WQMAs gamit ang physiographic unit bilang watershed, river basins, o water resources regions epektibong magpatupad ng mga provision at paunlarin ang water quality ng water bodies. (Santi Celario)