3 bansa nag-abiso vs ‘Lucky Me’ products

3 bansa nag-abiso vs ‘Lucky Me’ products

July 7, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tatlong bansa sa European Union (EU) ang nagbabala sa mga konsyumer sa sikat na Filipino noodles brand, dahil sa umano’y mataas na lebel ng ethylene oxide, isang gas na karaniwang ginagamit na pesticide.

Sa magkakahiwalay na abiso, ipinatanggal ng pamahalaan ng Ireland, Malta, at Franceang ilang variant ng Lucky Me! noodle soup at pancit canton, partikular na ang mga ginawa sa pagitan ng 2021 at 2022.

Kabilang sa mga variant na ito ang original, hot chili, kalamansi, at chilimansi flavor ng Lucky Me! Pancit Canton, maging ang Lucky Me! beef mami flavor.

“This pesticide is not authorized for use in foods sold in the EU. Although the consumption of the contaminated product does not pose an acute risk to health, there may be health issues if there is continued consumption of ethylene oxide over a long period of time. Therefore, exposure to this substance needs to be minimised,” ayon sa Irish government.

Sinabi rin ng Irish government na ilan sa mga ipinatanggal na Lucky Me! products ay ginawa sa Thailand. 

Nagbabala rin ang French government sa mga konsyumer na huwag bumili ng mga produktom at ibalik ang mga ito sakaling nabili na.

Sa ipinalabas na pahayag nitong Huwebes, nilinaw ng Lucky Me manufacturer at owner, Monde Nissin, na hindi ito gumagamit ng ethylene oxide sa mga produkto nito.

“It is a commonly used treatment in spices and seeds to control microbial growth typical in agricultural products. These materials, when processed into seasoning and sauces, may still show traces of ethylene oxide,” pahayag ng kompanya.

Tiniyak din ng Monde Nissin also na lahat ng Lucky Me! Productsay rehistrado sa Philippine Food and Drug Administration (FDA), at sumusunod sa local food safety standards at “even the US FDA standards for ethylene oxide.” RNT/SA