Razon-Uy Malampaya deal, tatalupan ni Gatchalian kung pabor sa gobyerno, consumer

August 18, 2022 @4:44 PM
Views:
1
MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Win Gatchalian na kanyang tatalupan ang kasunduan nina Enrique Razon at Dennis Uy hinggil sa pagbebenta nito ng kanyang shares sa Malampaya gas field project kung pabor sa consumer, gobyerno, at makasasapat sa suplay.
Kamakailan lang, lumagda ng kasunduan na bilhin ni Razon ang shares of stock ni Uy sa Malampaya.
“Hindi pa natin alam ang detalye ng kasunduan. Kaya naman higit na kailangan nating pangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan lalo na’t ang Malampaya ang kaisa-isang gas field sa bansa,” sabi ni Gatchalian na nakatakdang maghain ng resolusyon sa Senado kasunod ng naging kasunduan.
Ipinaalala ni Gatchalian sa kampo nina Razon at Uy na lahat ng kasunduan ay kailangang dumaan muna sa Department of Energy (DOE) sa ilalim ng Presidential Decree (PD) No. 87 at Department Circular (DC) 2007-04-0003 bago maisapinal ang mga ito. Layon ng PD 87, o ang Oil Exploration and Development Act of 1972, na maglatag ng mga regulasyon para sa exploration activities upang makadiskubre ng mga bagong mapagkukunan ng produktong petrolyo. Ang Service Contract (SC) 38 naman o ang mismong Malampaya project ay ipinatupad sa ilalim ng naturang batas.
Ayon kay Gatchalian ang nabanggit na department circular ay nagsasaad ng mga panuntunan at pamamaraan upang masiguro na ang assignee o transferee ay may sapat na legal qualification, financial resources, technical expertise at sapat na karanasan upang maisakatuparan ang mga obligasyon sa ilalim ng petroleum service contract.
“Muling pinatotohanan ng kasunduang Razon at Uy ang matagal nang pinangangambahang walang pinansyal na kapasidad si Uy na magpatakbo ng Malampaya,” ani Gatchalian.
“Noong nakaraang taon, nakatakda sanang bilhin ng kumpanya ni Uy na Malampaya Energy XP Pte. Ltd. (Malampaya Holdings) na subsidiary ng MEXP Holdings Pte. Ltd. (MEXP Holdings) ang 45% stake ng Shell Exploration B.V. (SPEX) sa Malampaya. Pero hindi ito natuloy dahil hindi ito pinayagan ng Philippine National Oil Company (PNOC EC). Ang PNOC EC ay may 10% stake sa Malampaya.
“Kailangang maging maingat tayo at manatiling nakabantay sa ganitong mga uri ng transaksyon dahil nakasalalay dito ang seguridad ng enerhiya ng buong bansa. Ang Malampaya ay nagsusuplay ng trenta porsyentong pangangailangan ng kuryente sa Luzon o bente porsyento sa buong Pilipinas,” sabi ni Gatchalian. Ernie Reyes
Kaso ng monkeypox sa buong mundo umangat ng 20%

August 18, 2022 @4:40 PM
Views:
3
MANILA, Philippines – Umakyat ng 20% ang kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Ito ay ayon sa World Health Organization (WHO) kung saan ayon kay WHO Director-General Dr. Tedros Ghebreyesus ay nasa 7,500 na bagong kaso ng monkeypox ang naitala noong nakaraang linggo.
Sumatutal ay umabot na sa 35,000 na kaso ng monkeypox ang naitala mula sa 92 na mga bansa.
“Almost all cases continue to be reported among men who have sex with men, underscoring the importance for all countries to design and deliver services and information tailored to these communities that protect health, human rights, and dignity,” ayon kay Ghebreyesus.
“The primary focus for all countries must be to ensure they are ready for monkeypox, and to stop transmission using effective public health tools, including enhanced disease surveillance, careful contact tracing, tailored risk communication and community engagement, and risk reduction measures,” dagdag pa niya.
Dito naman sa Pilipinas, nananatili sa isa ang kumpirmadong kaso ng monkeypox na naiulat noong Hulyo 29. RNT
PBBM nakipagpulong sa Private Sector Advisory Council sa pagbuo ng maraming trabaho

August 18, 2022 @4:28 PM
Views:
9
MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council (PSAC) nitong Miyerkules, Agosto 17.
Ito ay upang pag-usapan ang planong pagbuo ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sa isang pahayag na inilabas ng PSAC, nagbigay ng five point measures ang konseho sa pamahalaan kung paano makapagbibigay ng mas maraming trabaho sa bansa.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
– Scale up MSMEs.
– Identify labor-intensive, high-potential industry segments.
– Attract more investors by making it easier to do business.
– Make labor regulation more flexible
– Build skills for short-term productivity and long-term competitiveness.
Kabilang sa mga nakasama sa pagpupulong ay sina Aboitiz Group president Sabin Aboitiz, RFM CEO Joey Concepcion, JG Summit President and CEO Lance Gokongwei, SM Investments Vice Chairperson Tessie Sy Coson, Magsaysay Group President & CEO Doris Magsaysay Ho, Alliance Global Group CEO Kevin Tan, at Ayala Corporation Independent Director Rizalina Mantaring.
Inaasahang muling magkikita sina Marcos at ang konseho sa mga susunod na linggo. RNT
Pamahalaan target mag-angkat ng 150,000 metriko tonelada ng asukal

August 18, 2022 @4:15 PM
Views:
14
MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ngayong Huwebes, Agosto 18 ang 150,000 metriko toneladang asukal na target iangkat ng pamahalaan.
“‘Yun po ang proposed quantity for importation gawa nga ng pangangailangan ng mga industrials na tinatawag ng ating Pangulo, sila po ang gumagamit ng commercial quantities, in large commercial quantities ng asukal and some jobs are dependent on their continued production,” pahayag ni Cruz-Angeles.
Dagdag pa ng Press Secretary, kumpirmado na umano na 150,000 metric tons ang planong iangkat na asukal mula sa ibang bansa.
Sa ngayon ay wala pa umanong impormasyon kung kailan isasagawa ang naturang importation.
Matatandaan na nauna nang sinuportahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang planong importation ng asukal basta’t hindi lamang ito lalampas ng 300,000 metriko tonelada. RNT
Sports Heroes Burial sa Libingan ng mga Bayani ipinanukala

August 18, 2022 @4:02 PM
Views:
15
MANILA, Philippines – Isinisulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mabigyan ng heroes burial at mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga sports heroes ng bansa.
Sa inihaing House Bill 3716 ni Barbers iginiit nito na nararapat lamang na bigyang pagkilala ng bansa ang malaking kontribusyon ng mga atleta.
“Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani,” ayon kay Barbers.
Sa ilalim ng panukala ang tinuturing na “Sports Heroes” ay ang mga atleta na nakapagbigay ng malaking honor sa bansa gaya ng nakapanalo ng gold medal sa Southeast Asian Games, silver medal sa Asian Games o Asian Cup o kahit naka-bronze medal sa Olympic o World Games o isang world champion sa anumang professional sports competition.
Ang panukala ni Barbers ay kasunud na rin ng pagkamatay ni sprint queen Lydia de Vega.
“I hope that it is not too late to honor our sports heroes like Lydia de Vega. This measure is but a token of gratitude that we all enormously owe her and our other unsung sports heroes” giit pa ni Barbers. Gail Mendoza