3 bayan sa Cagayan isinailalim sa state of calamity sa hagupit ni ‘Neneng’

3 bayan sa Cagayan isinailalim sa state of calamity sa hagupit ni ‘Neneng’

October 20, 2022 @ 6:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan ang isinailalim sa state of calamity sa kasagsagan ni Tropical Storm Neneng, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Huwebes.

“There are several towns na po ang nag-declare, putting their towns under state of calamity para magamit na rin po nila yung pondo nila,” ayon kay PDRRMO officer-in-charge Ruelie Rapsing sa isang public briefing.

Kabilang sa mga bayan sa ilalim ng state of calamity ang: Santa Ana, Sanchez-Mira, at Santa Praxedes, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ng NDRRMC na 181,185 indibidwal o 51,870 pamilya sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera ang apektado ni Neneng.

Umabot naman sa 578inidbidwal o 163 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 1,111 indibidwal o 208 pamilya ang nakikipanuluyan sa ibang lugar.

Hindi bababa sa 279 tahanan ang napinsala.

Ang naiulat na pinsala sa agrikultura ay P366,058,240.16, habang P81,555,000 naman sa imprastraktura, batay sa NDRRMC. RNT/SA