3 bayan sa Isabela COVID-19-free na

3 bayan sa Isabela COVID-19-free na

July 15, 2021 @ 11:04 AM 1 year ago


ISABELA-Tatlong bayan na sa lalawigan ng Isabela ang walang naitalang aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Batay sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office, ito ay ang mga bayan ng Dinapigue, Palanan at San Agustin.

Sa ngayon ay mayroon na lamang 482 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa ngayong ay nakapagtala na lamang ng 52 new cases, 31 new recoveries at 2 bagong nasawi.

Samantala, bagamat may pagbaba na ang kaso sa Cauayan City, nananatiling ang lunsod ang may mataas na active cases na mayroong 50, sinundan ng Maconacon na may 34 cases at City of Ilagan na may 30 cases na lamang.

Ngunit paalala pa rin ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na sumunod sa minimum health protocol o pagsout ng facemask at faceshield para makaiwas sa patuloy na banta ng pandemic virus. Rey Velasco