3 binata arestado, nene nasagip sa cybersex den sa Bulacan

3 binata arestado, nene nasagip sa cybersex den sa Bulacan

August 13, 2022 @ 2:12 PM 2 months ago


Bulacan- Arestado ang tatlong binata habang nasagip ang babaeng minor de edad matapos salakayin ng mga awtoridad ang hinihinalang Cyber Sex den sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Arnesto Perualila, 29, mga alyas Jamar Gondran, 24 at Raymart Buenavista, 19 ng Brgy. Sta. Cruz 5.

Sa report, ikinasa ang rescue operation ng pinagsanib na puwersa ng SJDM police at Regional Anti-Cybercrime Unit 3 bandang alas-3 ng hapon nitong Agosto 12 sa naturang lugar.

Ayon kay SJDM Acting chief of police PLT COL Cresenciano Cordero Jr, nag-ugat ang pagsalakay nang ireklamo ng ama ng biktima sa mga awtoridad ang iligal na gawain.

Dahil dito, sinalakay ng mga awtoridad ang lugar hanggang sa mahuli ang tatlong suspek at nasagip ang 14-anyos.

Tumambad din sa mga awtoridad ang set ng computer at iba pang mga kagamitan sa kanilang live show sa isang maliit na kuwartong de-aircon.

Sinasabing ang biktima ay pinagso-show sa harap ng computer na napapanuod online ng mga parokyanong dayuhan kapalit ang P1,000 mula sa mga suspek para hindi ito magsumbong.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Anti Trafficking in Person (RA 10364), Rape and Cyber Crime (RA 10175) in relation to (RA 7610). Dick Mirasol III