Scientific research, pakikilahok ng LGU importante sa climate change response – CCC

February 2, 2023 @6:12 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Inihayag ni Climate Change Commission Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje ang kahalagahan ng scientific research at pakikilahok ng Local Government Units (LGUs) sa pagtugon sa Climate Change.
Ani Borje, mahalaga ang papel ng siyensya upang makamit ang tagumpay sa paglaban sa pagbabago at malaki ang maiaambag dito ng mga local researchers.
Para kay Borje, isang mabisang tool ang Science para makapaghanda sa magiging epekto ng climate change at malaking problema ang kakaharapin kung hindi magkakaroon ng kailangang preparasyon hinggil dito.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Borje na tuloy tuloy ang Climate Change Commission sa pagsisikap para makabuo ng malakas na partnership sa ibat- ibang sektor.
Samantala, ang partnership sa academe, private sector, development partners at mga relevant stakeholders na mag- uugnay sa mga siyentipiko at innovators ang magpapatupad ng climate actions. Kris Jose
Seth, naiinis pag kinukumpara kay Daniel!

February 2, 2023 @6:00 PM
Views: 15
Manila, Philippines- Aminado si Seth Fedelin na naiinis siya kapag sinasabi ng iba na porke’t may hawig sila ni Daniel Padilla ay ginagaya niya ang kilos at pananalita nito.
Sa Spill or Swallow challenge ng Push.com ay game na game ngang sumabak si Seth.
At dito nga siya um-oo sa tanong kung naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya si Daniel.
“Siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako.
Nagpagupit na nga ako, eh, oh, (para hindi na maakusahang kinokopya si Daniel),” natatawang sabi ni Seth.
Dagdag niya, “Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit?’
“Pero okay lang naman din. I’m thankful pa rin.”
Samantala, natanong ang binata kung may something o kung may namamagitan na sa kanila ng bago niyang ka-loveteam na si Francine Diaz.
Ang sagot niya, “Meron, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me.
“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganu’n ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor.
Aniya pa, single na single siya ngayon at nakasentro muna ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang showbiz career.
Sobra nga ang pasasalamat ni Seth sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil napasama siya sa napakalaking cast ng Kapamilya primetime series na Dirty Linen kung saan gumaganap siya bilang si Nico.
“Halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho sa Dirty Linen.
Mga senior actors, si kuya Z (Zanjoe Marudo), si Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre, marami pa, which is sa akin parang ano ‘yun, eh, challenge talaga.
“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work, eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao doon, eh,” aniya pa. Rommel Placente
Target ng Comelec na bagong voter registrants nalagpasan na

February 2, 2023 @5:59 PM
Views: 18
MANILA, Philippines – Nalagpasan na ng Commission on Elections(Comelec) ang target nitong mga bagong registrants matapos makapagtala ng mahigit 1.6 milyong posibleng mga bagong botante para sa 2023 Barangay at Sangguniang kabataang Elections o BSKE.
“If we add all reactivation, inclusion, and reinstatement applications, as well as the Register Anywhere Project (RAP) new applicants and reactivations, the total number of additional voters is at 1,631,433, subject of course to the approval of the respective Election Registration Boards. We surpassed the minimum 1.5 additional voters target,” saad ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa media viber group.
Aniya ang RAP pilot testing ay napaka-matagumpay.
“We had fully achieved the goal of pilot testing our systems and IT infrastructure on the possibility of remote registration while remaining fully complaint to RA 8189 , at the same time benefiting the sectors which needed it the most: non-resident workers, OFWs seafarers, students and transients,” sabi pa ni Laudiangco.
Base sa pinal na bilang ng Comelec, kabuuang 2,504,502 applications ang naisumite sa mga regular voter registration sites sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa.
Sa kabilang banda, karagdagang 8,979 applications ang naisumite sa piling booths. Jocelyn Tabangcura-Domenden
DOTR, ADB pumirma ng kasunduan sa infra projects

February 2, 2023 @5:46 PM
Views: 28
MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan ang Asian Development Bank at Department of Transportation nitong Huwebes, Pebrero 2 ng Transaction Advisory Services Mandate para sa ilang
public-private partnership projects sa sektor ng transportasyon.
Ani Transportation Secretary Jaime Bautista, ang ADB ang kanilang magiging katuwang, consultant at adviser para sa kanilang mga proyekto kabilang ang pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport, North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway.
“They will help us develop terms of reference for the privatization of the operations and maintenance of Manila International Airport and also for the North-South Commuter Railway, as well as the Metro Manila Subway project,” sinabi ni Bautista.
Kasama rin dito ang iba pang regional airports katulad ng sa Bacolod, Iloilo, Laguindingan, Bohol, at iba pa.
Nagpasa na ng kani-kanilang bids ang mga interesadong grupo habang ang iba ay humiling pa ng karagdagang panahon.
Ani DOTr Undersecretary TJ Batan, kailangan talaga nila ang tulong ng ADB upang makasunod sa international model sa pagsasagawa ng mga malalaking proyekto.
“To get the best operator that we can, we have to make sure the terms of reference natin maganda, yung structure ng project natin is international standards,” Batan said.
Ang ugnayan din nila sa ADB ay magpapabuti sa transportasyon sa bansa at makapagpapabuti sa daloy ng trapiko.
“Harness the power of the private sector’s efficiency and managing infrastructure projects and delivering safe, affordable infrastructure services for all people of the Philippines,” sinabi naman ni F. Cleo Kawawaki, pinuno ng Office of Public-Private Partnership ng ADB. RNT/JGC
Guidelines sa paggamit ng bivalent COVID vax isinasapinal na – DOH

February 2, 2023 @5:33 PM
Views: 15