3 binitbit sa buy bust sa Malabon

3 binitbit sa buy bust sa Malabon

November 17, 2022 @ 10:56 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan tatlong hinihinalang drug personalities matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Nobyembre 16.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang si Josefino Almocera, 56. Marilou Perez alyas “Loloy”, 51 at Marlon Dela Cruz, 44, pawang residente ng Caloocan City.

Ayon kay Col. Daro, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa M.H. Del Pilar, Brgy. Tugatog, Malabon City.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer at nagawang makipagtransaksiyon sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 3.85 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P26,180.00 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura