3 binitbit sa P344K shabu sa Navotas

3 binitbit sa P344K shabu sa Navotas

August 2, 2022 @ 1:40 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Swak sa loob ng selda ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Antonio Mendoza alyas “Kuting”, 24, (Pusher/Listed) at residente ng Malabon City at Ricardo Constantino Jr, 42, ng Tondo Manila.

Ayon kay Ollaging, dakong alas-12:05 ng hatinggabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr nang buy-bust operation sa Badeo 5, Brgy., San Roque na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek humigi’t kumulang 50.6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P344,080, marked money, weighing scale, belt bag, at P900 recovered money.

Samantala, ala-1:05 ng hapon nang madakip ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station na nagsasagawa ng foot patrol sa pangunguna ni PEMS Narciso Hinacay sa ilalim ng pangangasiwa ni P/ Major Randy Ludovice ang pedicab driver na si Ariel Villegas alyas “Kulot”, 40, matapos makuhanan ng isang pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu nang masita dahil walang sout na damit habang nakatayo sa kanto ng Bulungan at IDSFA Sts., NFPC, Brgy., NBBN.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura