3 Broadband ng Masa ikinasa sa malalayong isla

3 Broadband ng Masa ikinasa sa malalayong isla

October 12, 2022 @ 11:42 AM 2 months ago


Naglunsad ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pangunguna ni Sec. Ivan John E. Uy ng tatlo pang “Broadband ng Masa” sites sa tatlong malalayong lugar sa Zamboanga City.

Kasama si Majority Floor Manuel Jose “Mannix” Dalipe, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang cabinet secretary na personal na pumunta sa nasabing isla sa Mindanao.

Bahagi ito ng layunin ng DICT na makapaghatid ng libreng internet services sa mga liblib na lugar sa bansa.

Unang binisita ng DICT ang Sacol Island para i-assess ang posibilidad na malagyan ito ng stable internet service.

Sa isinagawang assessment, natukoy ng DICT kaya ring lagyan ng kuneksyon ang dalawa pang geographically-isolated islands sa Zamboanga City na Tigtabon at Pangapuyan.

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Regional Development Maria Teresa Camba, dati nang mahirap ang basic telecommunications services sa lugar at ang mga tagaroon ay nahihirapang makatawag o makapag-text man lang.

“The island has long been deprived of robust broadband infrastructure. Even the most basic telecommunications services of making phone calls and sending text messages have been challenging for the locals over the years.

Thanks to the magic of Bayanihan, together with our partners and the local community, we are now able to connect Sacol and 2 more nearby islands, Tigtabon and Pangapuyan, through the Broadband ng Masa initiative,” ayon kay Camba.

Sinabi ni Camba na ang bagong lagay na broadband sites ay maaari nang magamit.

Sa Sacol Island, ang free internet service ay accessible sa Madrasah, Landang Laum Elementary School, Landang Laum Barangay Hall, at Landang Gua Elementary School.

Sa Pangapuyan Island, maaari itong ma-access sa Pangapuyan Elementary School at sa Pangapuyan Barangay Hall.

Habang sa Tigtabon ang Broadband ng Masa site ay nasa Tigtabon Barangay Hall. RNT