3 buwang pagitan bago turukan ng booster pinag-aaralan ng PH gov’t

3 buwang pagitan bago turukan ng booster pinag-aaralan ng PH gov’t

December 10, 2021 @ 6:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbabakuna ng coronavirus disease (COVID-19), tatlong buwan matapos ang second dose, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Biyernes.

Sinabi ni Duque sa CNN ang posibilidad umano na mas paigtingin ang proteksyon sa mga Pilipino laban sa virus sa gitna ng banta ng Omicron variant.

“We are looking at advancing the booster jabs, maybe three months after, if the response is truly much higher in terms of antibody levels,” aniya.

“We are looking into it — what would be the comparative advantage of giving earlier booster shots… What if we give it after three months of the second dose? Will that confer much higher level of protection?” dagdag ni Duque.

Iginiit naman ni Vaccine Experts Panel member Dr. Rontgene Solante na myroong mga pag-aaral na may magandang resulta umano ang pagtuturok ng booster shots matapos lamang ang tatlo hanggang apat na buwang pagitan, subalit “more compelling data now is the six months and above.”

“But we will review the data — which specific vaccines can be administered less than six months or earlier na maganda ang antibody level kumpara sa six months then we may adopt that,” pahayag niya.

Sa kabila ng pagdating ng mga bakuna sa bansa, nagsimulang magbakuna ng bosster doses ang pamahalaan noong Disyembre 3, sa lahat ng mga fully vaccinated na indibidwal sa hustong gulang.

Nauna nang turukan ng booster shots ang health workers, senior citizens, at mga indibidwal na mahina ang resistensya. RNT/SA