3 buwang pagitan sa 2nd dose at booster vs COVID inihirit ng mga eksperto- Duque

3 buwang pagitan sa 2nd dose at booster vs COVID inihirit ng mga eksperto- Duque

December 16, 2021 @ 2:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Irerekomenda ng vaccine expert panel ang mas maiksing pagitan ng pagtuturok ng second coronavirus disease (COVID-19) vaccine dose at ng booster shot, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes.

“I already spoke to the head of the vaccine expert panel, Dr. Nina Gloriani. Yesterday, she told me they will officially recommend a three-month interval between the second dose and the booster dose,” ani Duque sa isang briefing.

“What used to be six months, pwedeng [it can be] three to four months interval between the second and booster dose,” dagdag niya.

Aniya pa, ipatutupad ito sa lahat ng COVID-19 vaccine brands na aprubado bilang booster.

Umaasa naman si Duque na ipatutupad ang naturang panukala “within the week.”

Sa kasalukuyan, lahat ng nasa hustong gulang ay maaari nang magpabakuna ng karagdagang COVID-19 shot anim na buwan matapos ang ikalawang dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sputnik V, o Sinovac vaccine, at tatlong buwan matapos ang Janssen shot. RNT/SA