3 carnapper na nakikipaghabulan sa PNP-HPG sa Benguet patay

3 carnapper na nakikipaghabulan sa PNP-HPG sa Benguet patay

December 10, 2021 @ 3:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Patay ang tatlong miyembro ng carnapping, robbery, at gun-for-hire syndicate sa pakikipaghabulan sa  Philippine National Police’s Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Police Brig. Gen. Rommel Marbil, PNP-HPG director, ang mga hindi pa nakikilalang suspek ay nasa ilalim ng surveillance operation nang magsimula ang engkuwentro sa Lamut-Shilan Road sa Brgy. Shilan bandang 12:35 a.m.

Lulan ang mga suspek ng red Mitsubishi Lancer Sedan na may plate number WIN-580 sa Baguio-Bontoc Road.

 “The joint police operation of HPG and PRO-COR stemmed from the intelligence packet provided by Special Operations Division of HPG (LIMBAS) about a suspected robbery hold-up / carnapping / gun-for-hire criminal group based in Pampanga that were monitored to be using Red Mitsubishi Lancer that usually changed plate numbers during their previous surveillance operation which leads [HPG] to the province of Benguet,” ani Marbil.

Lumalabas din sa beripikasyon sa Land Transportation Office na ang sinasakyan ng mga suspek ay galing sa nakaw.

“This prompted the [intel officers] to call a mobile team to accost the subject Mitsubishi Lancer to check its occupants… However, when the mobile team of La Trinidad Police Station arrived and its mobile crew walked towards the Mitsubishi Lancer, the suspects opened fire and escaped [towards] Lamut-Shilan Road.”

Agad namang isinunod ang hot pursuit sa mga suspek kung saan na-corner ito sa Lamut-Shilan Road sa Brgy. Shilan ngunit patuloy ang panlalaban na ikinasawi ng tatlo.  RNT/FGDC