3 Chinese kidnappers timbog sa palahaw ng biktima

3 Chinese kidnappers timbog sa palahaw ng biktima

March 17, 2022 @ 1:19 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nailigtas ng nagpapatrolyang mga pulis at barangay tanod sa kamay ng mga Chinese kidnapper ang kanilang biktima makaraang magsisigaw sa paghingi ng saklolo sa Parañaque City, Martes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, nag-apply ng trabaho ang biktimang si Niu Weicheng, at nakipagkita sa inakalang mga employer na sina Zhao Lian; Su Xiaoxi; at Long Chen, pawang Chinese nationals sa Makati City para umano sa swab test.

Dinala siya ng mga suspek sa Norway Building, Kassel Residences sa Barangay Moonwalk, Paranaque City, at idinitine siya hanggang mailigtas ng mga nagpapatrolyang pulis at barangay tanod ng Parañaque bandang 9:00 ng gabi.

Sinabi ni Niu sa imbestigasyon na hiningian siya ng tatlong suspek ng P600,000 at pinagbantaang ibebenta sa Philippine Offshore Gaming Operation bilang POGO worker sa Cavite City kung hindi ibibigay ang hinihinging pera.

Kinasuhan ng mga pulis ang mga suspek na sina Zhao Lian, Su Xiaoxi, at Long Chen ng kidnapping at illegal detention, at kasalukuyang detenido sa Paranaque City Police custodial facility.

“ I applaud the immediate action of our policemen and Bgy. authorities that resulted in the rescue of the victim. This shows that our policemen and Bgy are doing their job in preventing any forms of crimes in our area including kidnapping.” sabi ni SPD Director PBGen Macaraeg. Dave Baluyot