3 Chinese kulong sa tangkang panunuhol sa DFA



3 Chinese kulong sa tangkang panunuhol sa DFA

September 18, 2020 @ 1:18 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Quezon, Philippines – Arestado ang tatlong Chinese nationals sa tangkang panunuhol sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs Office sa Lucena City upang kumuha ng pasaporte gamit ang mga pekeng dokumento.

Ayon sa DFA Lucena, may lumapit umanong isang Chinese na kinilalang si Chaoyu Su sa isa sa mga security officer.

Nag-alok ito ng P400,000 kapalit ng pagpapagawa ng pasaporte para sa 10 Chinese na magpapagawa ng Philippine passport.

Kaagad naman itong inireport ng naturang security officer.

Ayon sa NBI Quezon Provincial Director Dominador Villanueva, naunang umakyat ang mag-asawang Chinese habang inaabot ni Su ang P800,000 sa security officer.

Nang magkaabutan na, kaagad dinampot ng mga tauhan ng NBI ang suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI Quezon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Passport Law at Falsification of Public Documents at kasong Bribery.RNT/ELM


  •  
  •  
  •