3 chopper pinadala ni Rep. Teves pantulong sa Misamis

3 chopper pinadala ni Rep. Teves pantulong sa Misamis

January 4, 2023 @ 12:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa kasagsagan ng kalamidad na tumama sa Misamis Occidental, naging maagap ang tugon ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr., sa mga kababayan na lumapit dito kamakailan lang.

Agad pinakiusapan ng mambabatas na kilala sa pagiging matulungin ang mga staff nito na agarang maghanda ng tulong sa Misamis.

“Ito ang mga pangyayari na dapat ay agarang mabigyan ng agarang tulong at solusyon. Kawawa ang ating mga kababayan kung hindi agad masasaklolohan,” pahayag ni Teves na kilala sa programa nito na “Teves Cares: Aksyon, Tulong, Solusyon!”

Tatlong choppers na puno ng relief goods na may lamang, noodles, bigas, biscuit, t-shirt at iba pa ang mabilis na pinadala ni Teves patungong Oroquieta City, Misamis Occidental.

Kasabay nito, agad na nagpa-abot ng pasasalamat si Misamis Occ Gov. Henry Oaminal sa agarang tulong at suporta na pinadala ni Teves.

Dahil dito, muli na naman pinatunayan ni Teves ang pagiging matulungin nito hindi lamang sa Negros maging saan man sulok ng bansa. RNT