3 class shift hirit ng National PTA

3 class shift hirit ng National PTA

August 21, 2022 @ 2:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihihirit ng National Parents-Teachers Association Philippines ang pagkakaroon ng tatlong class shift para sa ilang mga paaralan sa pagsisimula ng Academic Year 2022-2023 sa Lunes, Agosto 22, sa gitna ng presensya pa rin ng COVID-19 pandemic.

“Meron po tayong tinatawag na dalawa hanggang tatlong shifting. ‘Yun po ang pinakamagandang gawin, na ginagawa noong araw,” ani NPTA Philippines president Willy Rodriguez sa interbyu sa DzBB.

“Kapag kulang po ang ating mga rooms, nagtatatlong shift po sila,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Santiago na “handa” ang mga magulang sa pagbubukas ng klase.

Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga paaralan, kabilang ang kakulangan ng mga silid-aralan, dumarami pa rin ang mga mag-aaral bawat taon, ipinunto ni Rodriguez.

“Challenges will be there, but there is coping with it,” aniya pa.

“Our suggestion is that instead of having only four floors, construct schools with six floors or higher,” dagdag pa niya. RNT