3 coastal areas sa Visayas, Mindanao positibo pa rin sa red tide

3 coastal areas sa Visayas, Mindanao positibo pa rin sa red tide

August 22, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao ang nananatiling positibo sa toxic red tide nang lampas sa regulatory limit, base sa isinagawang test ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa abisong may petsa na Agosto 18 na ipinalabas nitong Lunes, nagbabala ang BFAR sa publiko hinggil sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. O alamang mula sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Samantala, listas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimasag basta sariwa at hugasan lamang mabuti, at alisan ng lamang-loob bago lutuin. RNT/SA