3 COVID vax nagsumite ng EUA sa pagbakuna sa menor – FDA

3 COVID vax nagsumite ng EUA sa pagbakuna sa menor – FDA

January 18, 2022 @ 7:25 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na nirerebyu nila ang emyanda sa emergency use authorization (EUA) ng tatlong COVID-19 vaccines, para sa pagbabakuna sa mga menor de edad sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni FDA officer-in-charge Director Oscar Gutierrez, Jr.,  na nirerebyu nila ang EUA amendment ng:

  • Covaxin – na gustong bakunahan ang edad 2-18

  • Sinovac – na gustong bakunahan ang 12-17-anyos

  • Sinopharm – na gustong bakunahan ang 3-17-anyos

Sa ngayon kasi, ani Gutierrez na Moderna at Pfizer pa lang ang pinapayagan ng Pilipinas na bagkuna sa 12 anyos pataas.

Dagdag pa niya na tanging Pfizer lang ang pinayagan sa bans ana magbakuna ng edad 5-11.

“Kung papasa itong tatlo sa ating clinical evaluation at sa standard ng FDA, magkakaroon po tayo ng limang bakuna sa immediate future po,” aniya pa. RNT