3 dabarkads himas-rehas sa pangungursunada sa binata

3 dabarkads himas-rehas sa pangungursunada sa binata

September 7, 2022 @ 12:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang tatlong kabataan, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama, nang matiklo sa follow-up operation matapos saksakin at bangasin ang mukha ng binatang nakursunadahan nila dahil matikas umano ito, sa Malabon.

Ibinalibag sa selda sina Ryan Frederick Calidro, 20; Sean Andrei Paragas, 18, at; Rodrigo Caples Jr, 22, pawang ng Brgy. Longsos, habang tugis ng mga pulis si Leo Boy Arogante, 18.

Ayon sa pulisya alas-11:25 ng gabi nitong Setyembre 2 nang makatuwaang romansahin ng gulpi ng magkakabarkada at saksakin si Ashly Del Mundo, 20, ng 157 Talakitok St., Brgy. 22, Caloocan City sa Hiwas St., Brgy. Longos, Malabon City.

Nang nakalugmok na si Del Mundo ay tumalilis na ang apat habang itinakbo sa Tondo Medical Center ang biktima kung saan nanatili itong nakaratay dahil sa mga saksak.

Nasakote ang tatlo sa follow-up operation ng mga parak sa Labahita St., Brgy. Longos, at positibong itinuro ni Del Mundo si Calidro na isa sa mga sumaksak sa kanya habang sina Paragas at Caples umano ang mga kumulata sa kanya. Merly Iral