3 dalagita nalunod sa ilog sa La Union, dedbol

3 dalagita nalunod sa ilog sa La Union, dedbol

January 2, 2022 @ 10:46 AM 8 months ago


La Union- Tigok ang  tatlong dalagita matapos malunod sa Balili River sa Barangay Upper Bimmutibot, Naguillian ng lalawigang ito kahapon, Enero 1.

Dalawa sa mga biktima ang magkapatid habang ang isa pa ay kanilang pinsan.

Ang mga biktima ay edad 17, 14 at 14,  pawang mga residente ng Brgy. Dagup, Bagulin, La Union.

Sa imbestigasyon ng Naguillian Police, ang tatlong biktima kasama ang kanilang pamilya ay nagpunta sa Balilli River para mag-picnic.

Matapos mananghalian, sabay-sabay na lumusong sa ilog ang tatlong biktima para maligo.

Hindi nagtagal ay napansin ng mga kaanak ng biktima na nawawala ang tatlo kaya agad nilang hinanap ang mga ito.

Sa kanilang paghahanap ay nadiskubre nilang ang tatlo biktima na noo’y ng nakalutang  sa tubig kaya agad silang humingi ng saklolo sa pulisya.

Agad na isinugod sa Naguillian District Hospital ang tatlong pero hindi na nagawang maisalba pa. Rolando S. Gamoso