3-day COVID vaxx drive, muling aarangkada

3-day COVID vaxx drive, muling aarangkada

November 22, 2022 @ 6:28 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Magsasagawa ng tatlong araw na COVID-19 vaccination drive sa bung bansa sa Disyembre upang makamit ang booster uptake at inoculation rate sa mga batang Pilipino.

Inanunsyo ito ni Health officer-in-chartge Maria Rosario Vergeire ngayong Martes kung saan prayoridad ang edad lima hanggang 11 taon at mga hindi pa nakatatanggap ng kanilang booster dose.

Sinabi ni Vergeire na ang nasabing programa ay ang Bakunahang Bayan at makikipag-ugnayan ang DOH sa iba pang organisasyon at stakeholders tulad ng Chinese community, malls, fast food restaurants at private physicians upang hikayatin ang mga pasyente kapag sila ay bumisita sa kanilang mga klinika.

Base sa datos ng DOH, 73.7 milyong Pilipino na ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 habang 20.9 milyon indibidwal pa lamang ang nakatatanggap ng kanilang unang booster shots.

Samantala, sinabi ni Vergeire na ang 31.3 milyong doses ng COVID-19 vaccines na 12.5 porsyento ng kabuuang bakuna na natanggap ng Pilipnas na nasayang ay nanatiling “acceptable level” ng wastage base sa standards ng World Health Organization (WHO). Jocelyn Tabangcura-Domenden