3 day lockdown sa Batasan para sa SONA, sinimulan na

3 day lockdown sa Batasan para sa SONA, sinimulan na

July 20, 2018 @ 3:29 PM 5 years ago


 

Quezon City, Philippines – Bilang pagtiyak sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte gayundin ng lahat ng dadalo sa ikatlo nitong State of the Nation Address (SONA), isinailalim na sa 3 araw na lockdown period ang buong Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.

Ayon kay House Sergeant-at-Arms Lt. Gen. Roland M. Detabali, lahat ng security plans at deployment para sa SONA ay ipinatupad na kabilang na dito ang pagtatalaga ng mga highly trained at experience personnel at paglalagay ng mga vital equipment.

“We have held numerous inter-agency meetings, plannings and rehearsals considering all possible scenarios from bombings, fire, chemical attack, etc. and have measures in place to ensure the safety of the President, our other VIP’s, guests and personnel,” pahayag ni Detabali.

Tanging ang mga may pangalan lamang na isinumite sa Legislative Security Bureau ng Kamara ang maaring makapasok ng Batasang Pambansa, bibigyan ang mga ito ng color-coded stickers bago makapasok.

Para naman sa mga miyembro ng media ang mga House Accredited Reporters at crew lamang ang papayagang pumasok.

Habang ang ibang mga media personel na mag se-set up ng kanilang nga media facilities para sa coverage ay papayagan kung nakalista ang kanilang pangalan na ipinadala ng mga media outfit sa pamunuan ng Kamara.

Tiniyak  naman ni House Secretary-General Atty. Cesar Strait Pareja, chairman ng SoNA 2018 Steering committee na handa ang Kamara sa anumang posibleng mangyari.

“Just to assure you, based on what we have been doing before, we prepare for the worst but we expect the best. We hope for the best, but we are ready in case anything happens,” pahayag ni Pareja. (Gail Mendoza)