3 dayong tulak timbog sa P170K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

3 dayong tulak timbog sa P170K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

December 11, 2021 @ 1:53 PM 10 months ago


Bulacan-Arestado sa buy-bust operation ang tatlong pinaghihinalaang tulak na dumayo para maglako at mahulihan ng P170,000 iligal na droga ng pulisya sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Kirk Patrick Magno,Carlo Concepcion at Marvin Damayan kapwa reside ng lungsod ng Meycauayan.

Sa report,ikinasa ang operasyon sa pangunguna ni San Rafael chief of police PLTCOL Ferdinand Germino laban sa tatlong suspek nitong Biyernes,Disyembre 10.

Ayon pa sa report,hindi nakapalag ang tatlong suspek na nagtangkang magpakalat ng iligal na droga sa lugar nang arestuhin ng mga operatiba.

Narekober sa operasyon ang 25 gramo na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00,Yamaha NMAX motorcycle at Marked money.

Sinasabing ang dalawa sa naaresto ay dating nakulong sa kasong pagbebenta ng iligal na droga sa Meycauayan na kapwa nahaharap muli sa kasong Sec 5 and 11 ng RA 9165.(Dick Mirasol III)