3 dedo sa Caloocan

3 dedo sa Caloocan

May 31, 2021 @ 2:37 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Tatlo ang patay sa Caloocan dahil sa COVID-19 nitong Mayo 30, ayon sa City Health Department at City Epidemiology and Surveillance Unit.

Pumalo na ng 32,046 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 30,157 na ang gumaling,  940 na ang namatay at 949 ang active cases.

Nanatli naman sa 438 ang COVID death toll sa Malabon matapos na walang maiulat na mamatay dahil sa pandemya.  Labimpito naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,064 ang positive cases sa Malabon, 127 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (2), Catmon (2), Concepcion (1), Panghulo (6), at Santulan (6).

Sa kabilang banda, 28 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (1), Catmon (3), Concepcion (2), Niugan (1), Potrero (4), Santulan (7), Tinajeros (6), at Tonsuya (4). Sa kabuuan ay nasa 12,499 ang recovered patients ng Malabon. Meryl Iral