3 dibisyon ng SC binalasa

3 dibisyon ng SC binalasa

May 23, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpatupad muli ng balasahan ang Supreme Court sa tatlo nitong division.

Batay sa Special Order No. 2901 ni acting Chief Justice Marvic Leonen, ang  First Division ay pamumunuan ni Chief Justice Alexander Gesmundo kasama sina Associate Justices Ramon Paul Hernando, Rodil Zalameda, Ricardo Rosario at Jose Midas Marquez bilang mga miyembro.

Ang Second Division ay pamunuan ni Leonen at miyembro nito sina Associate Justices Amy Lazaro-Javier, Mario Lopez, Jhosep Lopez at Antonio Kho Jr.

Samantala, si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang magiging chairman ng Third Division at sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting, Samuel Gaerlan, Japan Dimaampao at Maria Filomena Singh ang magsisilbing mga miyembro.

Si Singh ang pinakahuling appointee ni Pangulong Duterte.

Si Leonen ang pansamantalang namumuno sa Supreme Court habang naka leave si Gesmundo. Teresa Tavares