3 drug suspect kalaboso sa Rizal!

3 drug suspect kalaboso sa Rizal!

August 20, 2022 @ 11:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang tatlong suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng San Mateo MPS sa # 4-18 Area 3C Sta Cecilia Street, Brgy. Maly, San Mateo, Rizal dakong alas-12:41 ng umaga kahapon, Agosto 19.

Kinilala ni Pcol Dominic L. Baccay, Provincial Director ng Rizal PPO at iniulat kay PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr., acting Regional Director ng PRO4A ang mga suspek na sina Jessa Chica Y Labong, Elvis Maragrag Y Romance at Christian Esmale Y Torres.

Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation na may koordinasyon sa PDEA 4A sa Brgy. Maly, San Mateo, Rizal kung saan isang alias “Isak” ang nasa likod ng bentahan ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga nasabing suspek at pagkakakumpiska ng 12 piraso ng HSTPS na may timbang sa humigit-kumulang 55.1 gramo na may DDB value na P374,680.

Ipinaalam ang mga karapatan ng mga naarestong suspek alinsunod sa Miranda Doctrine gayundin sa Anti-Torture Law. Kasunod nito, isinagawa ang aktwal at pisikal na imbentaryo ang mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng insidente sa presensya ng nasabing suspek at nasaksihan ng barangay kagawad at media representative at naitala sa pamamagitan ng Alternative Recording Device (ARD) na may kaugnayan sa Section 21 ng RA 9165.

Ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit, Hilltop, Taytay, Rizal para sa nararapat na laboratoryo at drug test examinations at kalaunan ay itinurn-over sa San Mateo MPS para sa detensyon. Rene Tubongbanua