3 drug suspect timbog sa Navotas, Malabon buy bust

3 drug suspect timbog sa Navotas, Malabon buy bust

December 15, 2021 @ 10:41 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr. ng buy bust operation sa Raha Humabon St., Barangay Daanghari.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek na kinilalang si Rudy Ardo Labrador, 49, porter ng Gov. Pascual St., Brgy. Daanghari; at Evelyn Eugenue alyas “Jolina”, 52, (pusher/listed) ng A. R. Cruz St., Brgy. Tangos South matapos bintahan ng P500 halaga ng droga ang isang police poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 12.4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P84,320 at marked money.

Sa Malabon, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa P. Concepcion St corner Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog dakong alas-5 ng madaling araw si Jyz Cruz, 19 ng Libis Talisay, Brgy. 12, Caloocan City.

Ani SDEU investigator PMSg Randy Billedo, nasamsam sa kanya ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200 at P500 marked money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura