3 drug suspects binitbit sa P74K shabu sa Navotas

3 drug suspects binitbit sa P74K shabu sa Navotas

October 26, 2022 @ 2:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa loob ng rehas na bakal ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot matapos makuhanan ng mahigit P74K halaga ng shabu sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw, Oktubre 25.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Nelson Cordova alyas “Eson”, 49, (Pusher/Listed) ng 393 North Bay Boulevard, Daisy St., Brgy. NBBS Proper, Vangie Palomar alyas “Abek”, 33, at Jessica Reyes alyas “Ica”, 28, kapwa ng Tondo Manila.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong ala-1:35 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ni Cordova.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Cordova ng P300 halaga ng shabu at nang tanggapin niya ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasam si Reyes at Palomar.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800, P300 marked money at P600 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura